WALANG MAHIRAP SA GUSTO
By Arlan Laroya
By Arlan Laroya
Marami-rami na rin akong nakausap tungkol sa Shema, may mga naniwala agad kaya nagpasya ring pumasok agad. Meron namang hindi masyadong naniwala pero pumasok pa rin. Meron namang naniwala at gusto nang pumasok pero wala naman daw pera at may ilang naniniwala daw pero hindi muna pumasok dahil sa iba’t-ibang dahilan. Pero ang nakakalungkot meron talagang hindi naniniwala kaya ni ang makinig ay ayaw. At sa tingin ko marami-rami pa akong makakausap sa darating na panahon na may iba’t-iba rin kwento.
Gusto ko sanang bigyang pansin o sagutin ang mga hindi pa pumapasok (sana magbago pa ang kanilang pasya matapos nila itong mabasa). Para doon sa mga hindi makapasok-pasok kasi wala raw pera o kulang ang pera para makabili buwan-buwan. Ang masasabi ko lang siyasatin ninyong maigi ang inyong mga pinagkakagastusan, bago kayo magsabi na wala kayong pera. Tingnan ninyo ang inyong pangangailangan at ang inyong luho. Ang pangangailangan ay ‘yong mga bagay na hindi kayo mabubuhay pag nawala ang mga ito. Halimbawa: Pagkain, tirahan, damit. Luho naman ay ‘yong mga bagay na kahit mawala sa inyo ay mabubuhay pa rin kayo. Halimbawa: madalas na pagkain sa labas, mga junk foods, soft drinks, maluhong tirahan at mamahaling gamit, signatured na kasuotan o sobrang dami ng damit, cellphone load, bisyo gaya ng sigarilyo, alak iba pang tulad nito. Kung maaalis mo lang ang mga luho na ‘yan wala nang dahilan para hindi mo makaya ang P2,520/buwan. Alam n’yo ba na marami sa mga nasabihan ko na nang tungkol sa Shema ay nahihirapan na rin sa buhay nila? At gusto na rin nilang maiba ang takbo ng buhay nila, gusto na nilang guminhawa ang kanilang kalagayan, gusto na nilang makalaya sa kahirapan. Ang problema ayaw naman nilang ibahin ang uri ng kanilang pamumuhay lalo na tungkol sa paggastos ng pera.
Alam n’yo ba kahit walang Shema kailangan pa rin nating gawin ang ganitong pamamaraan para makaahon tayo sa kahirapan? Lalo lang gumanda ngayon kasi may Shema na! Kasi may paglalagyan ka na ng mga matitipid mo na siguradong malaki ang magiging pakinabang mo. Noon kasing wala pa ang Shema kahit may naipon kang 2,520 bawat buwan hindi ‘yon magiging sapat kung ‘yon lang ang aasahan mo sa lumalaking pangangailangan mo. Kahit ibanko mo pa ‘yon hindi pa rin ‘yon sasapat kasi maliit lang ang tubo sa banko. Ang mangyayari lang magtitipid ka at makakaipon ng P2,520 at dahil wala namang Shema, ‘yong natipid at naipon mo at gagastusin mo lang rin. Bale na-delay lang ang paggastos. Pero ngayong may Shema na, ‘pag bumili ka ng produkto ng Shema, ikaw ay nagiging MEMBER, BUSINESS PARTNER AT BENEFICIARY. At ‘pag tuloy tuloy mo itong ginawa hanggang makaabot ka ng labing 12 buwan. ‘Pag nangyari na ‘yan, ikaw ay QUALIFIED na sa mga pagpapala. Konting tipid masaganang pagpapala ang kapalit. Tandaan mo ‘yong kasabihang, “PAG GUSTO MAY PARAAN, ‘PAG AYAW MAY DAHILAN.”
Para naman doon sa hindi naniniwala, ni ang makinig ayaw, ang masasabi ko lang, “Sayang hindi n’yo man lang nabigyan ng pagkakataon ang sarili ninyong malaman kung ano ang nakapaloob sa programa ng Shema.” ‘Di bale habang hindi pa dumarating ang 2016 o habang wala pa sa 9 milyong Filipino ang nakakapasok at habang may buhay may pag-asa pa naman kayong pumasok.